CENTRO FILIPINO - TULUYAN SAN BENITO

Barcelona, Spain

Blogs

Premyo Para sa Pilipino!

Posted by Centro Filipino on December 28, 2010 at 3:48 PM

Noong ika-18 ng Disyembre 2010 ipinagdiwang ang International Migrants' Day. Sa araw na ito kinikilala at pinahahalagahan ang lahat ng mga migrante sa buong mundo. Kasama tayong lahat dito. Kaya naman ito rin ang napiling araw ng Consejo Municipal de Inmigración de Barcelona upang magkaloob ng isang mahalagang premyo para sa isang natatanging migrante.


 

Ang Consejo Municipal de Inmigración de Barcelona (CMIB) ay binubuo ng 45 na samahan ng mga migrante dito sa Barcelona. Dalawa sa mga ito ay mula sa komunidad ng mga Filipino sa Barcelona-- ang Centro Filipino-Tuluyan San Benito at ang Amistad.


 

Sa taong ito, at sa pangalawang pagkakataon, ang CMIB ay naghandog ng nasabing premyo sa migranteng kanilang naituring na karapatdapat. Sa 44 na kalahok, iisa ang kanilang napili. At ikinasasaya naming ipahayag na ipinagkaloob ng hurado ang gantimpalang ito sa pinakamamahal na kura-paroko ng Parokya Personal ng mga Pilipino sa Barcelona - Inmaculada Concepciónat San Lorenzo Ruiz, si FATHER AVELINO SAPIDA.






















By Kay Abaño



 

 


Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

1 Comment

Reply Sor Stefania, OSB
04:59 PM on January 05, 2011 
Father Avel,
CONGRATULATIONS!!!!!